Si Bantay At Si Muning Kasama ,May Ari Siniguro Na Wala Talagang Iwanan Sa Paglipat Ng Bahay

Minsan ay mahirap talaga na mangupahan sa kadahilanan na halimbawa ay kung lumipat kayo ng bahay ay kailangan nyo na iempake ang lahat ng bagay at siguraduhin na walang matitira. Mas lalong mahirap kung bigla na lang kayo na lilipat!

[xyz-ihs snippet=”Lazada-App”]

Meron din ilan sa atin na may mga alagang hayop pero minsan ay ipinamimigay natin ito o iniiwan na lang sa pag alis natin sa kadahilanang mahihirapan lang tayo sa pagbyabyahe, lalo na kapag marami tayong dalang gamit.

Pero isang Facebook user na may pangalan na Nits Javier ang nagbahagi ng post sa isang Facebook page na Guardians Of Fur. Ang post naging viral dahil makikita sa isang owner type jeep na may mga dalang kagamitan na tila ay maglilipat ng bahay at mapapansin mo na nakasabit ang kanilang mga alagang hayop.

Sinabi ni Nits Javier na “Naglipat bahay… walang iwanan, sama lahat.”

Mapapansin mo na punong puno ng kagamitan ang jeep kung kaya’t sinabit na lang ang mga alagang hayop, para na din siguro hindi maipit. Mukhang tiniyak ng may ari na komportable ang mga alagang hayop.

May sapin sa paa ang mga pusa na nasa pet cage para hindi dumulas at maipit ang mga paa. Samantalang ang mga aso ay nakalagay sa sako na labas ang ulo upang hindi makatalon at makawala, at para na din hindi masuffocate.

[xyz-ihs snippet=”Metro-Deal-Large-Screen”]

Umani ng mga papuri ang ginawa ng may ari dahil hindi nila iniwan ang kanilang mga alagang hayop at inisip ang kapakanan nila.

Meron mga ilan na netizen na hindi sumang ayon sa ginawa sa mga hayop at hindi natuwa kung paano isinabit ang mga aso at pusa. Iginiit naman ng iba na mas maganda ang ginawa kasya abandonahin na lamang.