Mt. Samat Sa Lalawigan Ng Bataan, Tanaw Na Mula Sa Quezon City!

Mahigpit na ipinatutupad ng gobyerno ang Enhanced Community Quarantine(ECQ) laban sa COVID 19 nasa mahigit isang libong pasyente ang nahawaan ng nasabing sakit. Dahil sa ECQ ay halos wala nang makikitang tao at pampublikong transportasyon sa mga lansangan lalo n sa Metro Manila

Dahil dito ay nabawasan na ang dumi at polusyon sa maraming lugar sa mga lungsod ng Metro Manila. Mapapansin ito sa mga litrato na nagiging viral sa mga social media sites. Napakaraming larawan ang nagpapakita ng kalinisan ng Maynila, naging trending tuloy sa mga netizens ang ika nga ay “Mother Earth is healing”

Isa sa mga nagbahagi ng nakakamanghang litrato sa trending na ito ay ang GMA reporter na si Raffy Tima. Sa kanyang official Facebook account ay ibinagi niya ang di umanong litrato na kinuha niya mula sa GMA Network Building sa Quezon City

Makikita sa litrato ang Mt. Samat na nasa probinsya Bataan, napakalayo ng lugar na ito na aabot hanggang limang oras ang biyahe kaya ‘t maraming netizens ang namangha dahil kita pala ang bundok mula dito sa Metro Manila.

Makikita sa litrato ang bundok pero ang higit na nakakagulat ay ang krus at ang ang shrine kung saan nakatirik ito!

Ang post ng reporter ay meron nang 33,000 post reaction at 34,000 post shares! Karamihan sa mga komento ay sinabi na naging posible ang pagkakatanaw sa Mt. Samat mula sa Quezon City dahil nawala na ang smog(pinagsamang smoke at fog) sa Metro Manila.

Marami ang nagpasalamat kay Raffy Tima sa pagbabahagi niya ng litrato na nagpapakita ng isa sa mga magandang idinulot ng pagpapatupad sa Enhanced Community Quarantine.