Oxygen Para Sa Pasyente Hinarang Sa Isang Checkpoint

Magsasampa ng kaso ang 2 supplier ng Oxygen tank sa bantay ng checkpoint sa Baranggay Pasong Tamo matapos silang hindi palusutin ng mga ito gayong naghihingalo na ang pasyenteng nangangailangan nito.

Sa isang video, ipinakita ng mag live-in partner ang kanilang quarantine pass upang nakadaan ngunit pinigilan ito ng Purok Leader ng baranggay. Ayon sa mga bantay ng checkpoint, hindi maaaring magpapasok at magpalabas sa lugar na mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Ayon sa magdedeliver ng tanke ng oxygen, tinext sila ng nurse dahil kailangan na ang oxygen tank dahil naghihingalo na ang pasyente nito kaya nagmamadali sila sa pagdeliver nito. Ngunit nang tinanong nila ang bantay ng checkpoint, naging sagot lang nito ay “Edi mamatay ‘yan kung mamatay.”

Nakadaan naman ito makalipas ang isang oras matapos dumating ang mga baranggay officials upang tulungan sila. Gayunpaman, tuloy ang pagsasampa ng kaso ng mga ito dahil ‘di umano’y nagkaroon ng diskriminasyon gayong frontliner din naman silang maituturing.

Pinagsabihan na ang Purok Leader na ito ng mga baranggay officials dahil sa nagawa nito. Tumanggi namang maging ng pahayag ang nasabing bantay ng checkpoint at hindi ito humarap sa camera.