Presidential Adviser Joey Concepcion Nagsabi Na Ang Mga Mahihirap Ay May Malakas Ma Resistensya Laban Sa Virus

‘Bibihira ang dinadapuan ng virus sa mga mahihirap na komunidad,’ iyan ang di umano’y napapansin ng mga pari na nakausap ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion.

Walang sayantipikong basehan ang ibinigay dito ngunit kung tutuusin, maaaring tama nga na sa sobrang pagkaexpose ng mga taong ito ay lumakas na din ang kanilang pangangatawan kontra sa mga Virus na lumalaganap sa ating bansa.

Marami ang nag react matapos masabi ang haka-haka na ito kaya nama’y nilinaw nya na obserbasyon lamang iyon ng ilang mga pari na nakasalamuha ng mga residente na salat sa buhay. Ayon raw sa mga ito ay mukhang malakas ang resistensya ng mahihirap dahil sa exposure habang ang mga may kaya naman sa buhay ay masyadong ‘sheltered’ kaya mas prone mahawaan.

“Life should go on because the virus will be there until there is a cure. We have to find a method that will work and this is worth thinking about,” saad ni Concepcion matapos nyang imungkahi na magpatuloy ang construction ng ilang mga gusali at tulay sa bansa, upang kahit papano’y makabawi ang ekonomiya sa krisis na ito.

Ngunit sa huli’y idinagdag nya na kailangang maging disiplinado ng bawat residente upang mapuksa na agad ang kumakalat na virus sa lalong madaling panahon.