Mga OFW NaNagpositibo Sa COVID-19, Tumakas Sa Mga Quarantine Facilities

•Mga OFW na positibo sa COVID-19 Tumakas sa mga hotels na nagsisilbing quarantine facilities nila ayon sa report ng Philippine Coast Guard.
•Maaring kasuhan ang mga nakatakas na OFW dahil nilabag nila ang protocols sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act.
•Tinitingnan din kung meron mga kasabwat ang mga nakatakas na OFW at maari din kasuhan ang mga kasabwat.

Lumaki na ang bilang ng mga tinamaan ng sakit na COVID-19. Lumobo na ito sa mahigit labingdalawang libo katao at inaashan na lalo pang tataas ang kaso dahil pagalis ng ECQ na magreresulta sa pagdami ng mga tao sa lansangan at sa mga pangpublikong establisimyento.

Isama na rin ang mga taong matitigas ang ulo na hindi sumusunod sa quarantine standards katulad ng di pagsusuot ng mask at hindi sumusunod sa social distancing at iba pa.

Sa mga matitigas ang ulo marahil sa mapapasama din ang mga OFW na matapos tulungang makauwi dito sa Pilipinas, pahintulutan na manatili dito sa Metro Manila, tapos ay sagutin pa ng gobyerno ang bayad sa hotel accomodation, na alam natin na hindi mura, nila ay nagawa pa nila na tumakas!

Sabi sa report mula sa Philippine Coast Guard(PCG) ay tumakas daw ang mga nakauwing OFW mula sa kanilang mga quarantine facilities na kinalaunan ay mga nagpositibo sa COVID-19.

Sabi ni Philippine Coast Guard(PCG) spokesperson Armand Balili na pagkatapos makatakas ng mga OFW ay saka pa lang nila nalaman ang resulta ng pagsusuri sa kanila na positibo pala sila sakit na COVID-19.

Aniya, “may mga nakatakas sa mga hotel na ‘yan at ang masama nito, lumabas ang results na positive sila. Ngayon nandoon na sila sa bahay nila. Nakahalubilo ang pamilya, ‘yung community,”.

Sinabi rin niya na hinahanap na ng mga awtoridad ang mga tumakas na OFW na maaring nakahawa na sa pagtakas nila. Tinitingnan din nila kung meron mga tao na tumulong sa kanila sa kanilang pagtakas. Maari din makasuhan ang tumakas at kasabwat sa paglabag ng Bayanihan to Heal as One Act.

“Iho-hold kung sakali eventually dahil may vina-violate siguro sila dito sa Heal as One protocol. May balak po na sampahan ng kaso. Iimbestigahan po namin kung sino ‘yung mga kasabwat nitong tumakas na hotel personalities,” dagdag niya.

Sinabi rin niya na dapat maghintay ang mga OFW sa mga resulta ng kanilang mga COVID-19 tests. Aniya niya ay nakikipag-ugnayan na ang PCG sa Bureau Of Quarantine (BOQ) para mapabilis ang pagproseso ng resulta sa mga COVID-19 tests.

Matatandaan na kailangan ng 14 days na iquarantine ang mga taong may mga sakit na COVID-19 bago gumaling ang mga ito.

Noong Huwebes naman ay nasa 16,000 na OFW ang na stranded sa Metro Manila dahil hindi sila pinayagan ng kanilang mga LGU na umuwi sa kani-kanilang mga probinsya sa takot na makahawa sila ng nakamamatay na Coronavirus.

Sa ngayon ay nasa 6,000 bilang ng mga resulta pa lang ang nagproseso ng BOQ.

Ang mga OFW na nag-negatibo sa COVID-19 ay binibigyan ng certificate ng Red Cross at maaring sumakay sa mga barkong may .ga clearances na bumiyahe papunta sa kanilang mga probinsya sa Visayas at Mindanao .