11,000 Empleyado Maapektuhan, Abc-Cbn Nakiusap Sa Supreme Court Na Ipatigil Ang Utos Na Pagpapatigil Ng Operasyon Ng Estasyon

11,000 umano ang maaring mawalan nang kabuhayan kapag hindi agad naibalik sa operasyon ang Abs-Cbn.
30 milyon umano kada araw ang nawawala sa kita ng Abs-Cbn simula ng tumigil ang kabilang operasyon
•CDO Representative sinabi na nakiusap na daw siya sa mababang kapulungan upang bilisan ang pagpasa ng bill para sa pagrenew ng franchise ng Abs-Cbn

Nakiusap na sa Korte Suprema (Supreme Court) ang Abs-Cbn na tumulong upang maibalik na agad sa  operasyon ang kanilang estasyon upang huwag malugi ng nasa milyong piso na kinikita nila araw-araw at protektahan ang kabuhayan at trabaho ngnng kanilang nasa 11,000 manggagawa.

Sinabi ng Abs-Cbn na nasa Php 30 milyon nag nawawala sa kanila kita araw-araw mula sa kita sana mula sa mga advertisements simula ng tumigil ang kanilang operasyon mulaMmula 5, 2020.

“If this severe financial hemorrhage is not stopped, ABS-CBN may be constrained to eventually let go of workers, reduce salaries and benefits, and substantially cut down on costs and expenses,”  sabi ng Abs-Cbn.

Sinabi din ng Abs-Cbn na bukod sa kanilang mga direktang manggagawa ay naapektuhan din ang iba pang mga empleyado ng kanilang mga kontraktor katulad ng security guards, content creators,  canteen workers, at maging ibang kompanya na kumikita sa mga advertisements ng nasabing  estasyon.

Iginiit din ng estasyon na nasa Php 70.50 bilyong ang binayaran ng Abs-Cbn mula taong 2003 hanggang 2020 bukod pa ito sa impormasyon na ibinabahagi nila sa mga Pilipino.

Nasa Php 237 milyon din daw ang tulong na nalikom ng estasyon para sa kanilang effort upang matulungan ang mga naapektuhan ng kasulukuyang kalamidad.

“With ABS-CBN’s unparalleled reach, it is imperative that ABS-CBN be on air to give timely and reliable information to the public, especially in light of the current public health emergency and the natural calamities that regularly threaten the country, such as typhoons, earthquakes and floods,”  giit nito.

May mga nakabinbing bills para sa pagrenew ng franchise ng Abs-Cbn ngunit ito hanggang 6 na buwan lang at nangangailangan pa ng “approval” mula sa Senado at Predente Duterte.

“Moreover, ABS-CBN will, thereafter, have to seek and obtain from the NTC the necessary permits to operate. This may take some week, if not months,” sabi ng estasyon.

“In the meantime, ABS-CBN, its employees, various stakeholders, and the general public will continue to suffer grave and irreparable injury as a result of the Cease and Desist Order issued by the NTC.”, dagdag ng Abs-Cbn.

Sinabi ni Cagayan Del Oro(CDO) Representative Rufus Rodriguez na nakiusap na siya sa kongreso na bilisan na ang pagpasa ng bill para sa franchise ng Abs-Cbn upang hindi na sila tanungin kung labag konstitusyon ang kanilang ginawa.

Sinabi rin ng kongresista na gusto niya na palitan ang probisyon na nag-uutos na sa Abs-Cbn kailangan nila magpalabas patungkol sa gobyerno at kailangan ay 10 porsyento ito sa kabuuang operasyon nila sa araw.

Matatandaan na sinabi dati na hindi prayoridad ng mababang kapulungan ang pagrenew ng franchise ng Abs-Cbn. Sinabi rin dati ni President Dtutete na hindi umano na makakapag renew ng franchise ang Abs-Cbn.

Ngunit sinabi naman ni Senador Sotto na basta daw ipasa sa senado ang pagrenew ng franchise ay aaprubahan daw agad nila ito.