Abc-Cbn Maaring Magtanggal Ng Tauhan Kapag Hindi Kaagad Pinayagang Makabalik Sa Operasyon

Sinabi ni Abs-Cbn CEO Carlo Katigbak na maari silang magtanggal ng tauhan mula sa kanila 11,000 empleyado kapag hindi kaagad sila magsimula sa kanilang operasyon dahil sa hindi pagbibigay ng franchise mula sa kongreso. Sinabi ni Mr. Katigbak na meron na lang silang hanggang Augusto ng taong ito para magdesisyon kung magtatangal ng tauhan o hindi.

Ito ang pahayag ng CEO matapos hindi payagan ng kongreso na magoperate ang media giant at hindi naman nag-issue ang Korte Suprema (Supreme Court) ng TRO(Temporary Restraining Order) laban sa utos na pagpapatigil ng operasyon mula sa NTC (National Telecommunications Commission).

“We continue to lose a substantial amount of money every month and I’m afraid if we cannot go back on air soon, by August, we may already have to consider beginning a retrenchment process,” sabi nito sa online hearing ng senado.

“We felt it would be very, very painful to put our employees out on the street without them having an idea as to how they can continue earning a living and continue to feed their families”, dagdag niya.

Matatandaan na sinabi ng Abs-Cbn na nalulugi sila ng nasa Php. 35 milyon kada araw simula ng tumigil sila sa operasyon.

Matatandaan din na sinabi ng Abs-Cbn sa kanilang mga empleyado na kahit na tigil sila sa operasyon at makakakuha pa rin ang mga sila ng kanilang buong sweldo at benepisyo ngunit maaring hindi ito magtagal dahil walang kinikita ang kompanya.

“At this point, the most important priority for ABS-CBN is to return on air as quickly as possible. We need to do this so that we can again start earning revenues so that we can continue paying salaries of our employees”, dagdag ni Mr. Katigbak.

Nagsabi si House Speaker Alan Peter Cayetano na meron siyang bill upang mapabilis ang pagbabalik ng operasyon ng Abs-Cbn . Di hamak na mas di umano ito kumpara sa bill para sa regular franchise renewal na tatagal ng 25 taon . Mistula din na nagtatalo ang mga mambabatas patungkol sa franchise renewal ng estasyon at may mga magsisihan din.

Wala din TRO na nailabas ang Korte Suprema laban sa utos ng NTC bagkus ay inutusan na lang ang senado, kongreso, at NTC na payagan na lamang bumalik sa operasyon ang Abs-Cbn habang dinidinig pa ang franchise renewal nito.

Matatandaan din na pinatigil ang operasyon ng Abs-Cbn ng NTC matapos mabigo ang kongreso na ipasa ang franchise renewal para sa isa sa pinakamalaking estasyon dito sa Pilipinas. Bago nito ay nanakot si Presidente Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng Abs-Cbn sa kadahilanang hindi patas ang naging trato nito noong eleksyon 2016.

Humingi na ng paumanhin si Mr. Katigbak kay Presdente Duterte bagay na sinabi naman ng tagapagsalita ng presidente na tinanggap naman nito ang paumanhin.

Matatandaan na sinisisi ni Congressman Alan Peter Cayetano ang kongreso sa di pag-aksyon nito ng maaga, maging ang pakikialam ni Solicitor General Jose Calida dahil  hindi niya sakop ang usapin , at maging ang ginawa ng NTC na hindi nagbigay ng compassion sa estasyon kahit na ginagawa lang umano nito ang trabaho nila.