Ospital Na Di Umano’y Exclusibo Lang Para Sa Mga Chinese Na May COVID-19 Sinalakay Ng Mga Awtoridad

Isang leisure village ang ilegal na ginawang pasilidad o hospital para sa mga Chinese napna sa sakit na COVID-19 ang ni-raid ng awtoridad sa Clark, Pampanga.

Nakita sa pasilidad ang maraming medical wastes katulad ng syringe, tubes, medical plastics, at mga gamot na may mga labels na nasa Chinese.

•Kaso laban sa Food and Drug Administration Act of 2009 at Medical Act of 1958  ang kakaharapin ng mga nahuli sa ilegal na pagamutan

Alam naman natin na sa mga Chinese nagsimula ang sakit na  COVID-19. Inilihim nila ang sakit mula sa mundo hanggang sa ito ay hindi napigilang kumalat at  naging isang global pandemic.

Nasa milyon katao na ang nagkasakit at lalo pang dumadami. Marami na rin ang nawalan ng buhay. Lahat ng mga ito ay dahil sa pagtatago ng bansang China sa sakit na ito at hindi pagsasabi ng positibo sa sakit na sabihin ang tunay nilang kondisyong medikal.

Dito sa Pilipinas ay may patago din pala mga ospital para sa mga COVID-19 at isa na dito ang sinalakay ng mga awtoridad. Ang patagong ospital at para mga Chinese lamang.

Isang leisure village ang ginawang ospital para sa mga Chinese na nagpositibo sa COVID-19 ang ni-raid ng mga awtoridad sa Pampanga. Ang mga nang raid ay pinagsamang task force ng CIDG-PNP, FDA, at CDC.

Ang pasilidad na ito ay may 7 bed capacity at may ilegal na botika pa na dating bakasyunan na ginagwa na ginawang ilegal na pagamutan.

Di umano’y walang permit to operate o permiso para magoperate mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ng Department Of Health ang establisimyento.

Sa ulat ay nakita sa lugar ang mga medical wates katulad ng mga ginamit na syringes, tubes, at mga opened plastic containers.

Ayon kay Police Brigadier General Rhoderick Armamento ay mga Chinese Nationalities ang mga pasyente at titingnan nila kung sino ang mga positive sa kanila.

“Hindi natin alam na sila pala, akala nila magaling na sila pero ‘yun pala is patuloy silang nanghahawa ng virus dahil sa pagkakaalam nila, nagamot na sila ng ospital na ito” sabi ng Police general.

Sinabi din ng police general na hindi alam ng mga pasyente Chinese hindi pa pala sila magaling at maaring patuloy pa rin silang nanghahawa ng nakakamatay na Coronavirus.

Meron din mga gamot na mga nasa Chinese labels ang nakuha sa ilegal na pasilidad na pinaniniwalaang ginamit sa pangagamot sa mga pasyenteng may COVID-19. Hindi rin umano rehistrado ang mga gamot sa Food and Drug Administration.

May isang pasyente ang naabutan sa ilegal na ospital at dinala na siya sa tunay na ospital. Naaresto sa pasilidad ang mga tao na nagsisilbing administrator at pharmacist pero tumangging magpahayag ang mga ito.

Kaso laban sa  paglabag sa Food and Drug Administration Act of 2009 at Medical Act of 1958 ang kakaharapin ng mga naaresto.

Matatandaan din na halos mapuno na ang mga ospital dito sa Pilipinas dahil sa pagtanggap ng mga pasyenteng May COVID-19 at mga pasyenteng under investigation. Kakaunti pa lang ang na pasilidad na gumagawa ng mga mass testing .

Hanggang ngayon din ay wala pang nakiktang lunas kontra COVID-19 ngunit nagsisikap ang buong mundo para makatuklas ng gamot laban sa sakit.