Pagtax Sa Netflix, Spotify, At Iba Pang Digital Services, Ipinasa Na Bilang Bill

Sa panahong kinakaharap natin ngayon, malimit ang pag galaw at paglabas ng mga tao sa kani kanilang kabahayan kaya’t ang una nilang pangunahing pinag kakaabalahan ay ang pag gamit ng kanilang mobile phones o pag gamit ng internet upang maaccess ang iba’t’ibang social media apps.

Kung ikaw ay walang magawa at gustong makinig ng music, nariyan ang Spotify na sasabay sa ano mang jam na gusto mo. Para sa iba naman, panonood ng pelikula at mga teleserye ang pinagkakaabalahan. Nangunguna diyan ang Netflix kung saan sari saring mga bagong pelikula at foreign series ang maaari mong mapanood.

Kung tutuusin, sa karamihan ay halos tila pang balita na lamang ang panonood ng telebisyon dahil ang ibang segmets o shows na makikita dito ay pwedeng pwede na masaksihan sa kanilang mobile phones…sa mas mataas na video quality.

Para sa mga social media users at subscribers, malaking bagay ang mga ito para sa mga taong naghahanap ng paglilibangan ngayon naka sailalim ang karamihan ng lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine. Ngunit para sa mga nasa likod ng mga apps na ito, isang tila malaking kita ang mababawas sa kanila dahil sa gustong ipatupad ng House Committee chair Joey Salceda.

Nagbigay ng panukala chair na ito na patawan ng buwis ang mga digital services gaya na lamang ng Netflix, Spotify, at maging ang mga online shopping services tulad ng Lazada. Ayon sa kanya, makadaragdag ito ng higit kumulang 29 bilyong piso kada taon.

Sa ilalim ng House bill 6765, na “Digital Economy Taxation Act of 2020, layunin nito ay “to capture the value created by the digital economy better in the country’s tax system.” ayon kay Salcedo. Dagdag pa nito, itinutulak nito ang mga industriya sa likod ng digital services na magbigay ng patas na ambag sa tax ng bansa.

These are tax administration measures that we hope will capture the value more fairly, para pantay naman sa lahat ng negosyo sa Pilipinas,” aniya.

“[This is] especially when local businesses are struggling due to COVID-19, and there are these companies that are making a killing because of isolation, but are not paying enough taxes,” pahayag muli ni Salcedo.

Sa ilalim ng bill na ito, ano mang transaksyon, palitan, o negosyo na mangyayari online ay papasok sa magkakaroon ng Value Added Tax (VAT). Gayundin ang mga digital advertising na lumalabas sa Facebook at iba pang social media sites, pati na din ang subscription-based tulad ng Netflix at Spotify ay hindi makakalagpas sa VAT.

Para sa mga user, paalala ni Salcedo ay walang dapat ikabahala ang mga ito dahil hindi sila maaapektuhan sa panukalang kanyang ipinasa.
“Kung regular user ka lang naman, hindi ka naman apektado. If anything, these social media platforms need you, the user, to keep using, so that they could earn from digital advertising, the same way TV networks need viewers so they could get advertising contracts….”

“So, the usual social media channels will definitely remain free. The whole idea that somehow, this bill will make social media networks charge users who don’t advertise, that’s a bad reading of the proposal,” dagdag pa nito. Giit ng marami ay kung papatawan sila ng buwis, maaaring sa mga users din bumawi ang mga digital services na ito gaya na lamang ng paglilimita ng access sa mga ito kapag wala kang inilabas na pera.