Senadora Cynthia Villar Humingi Paumanhin Sa Nauna Niyang Sinabi Niya Patungkol Sa Mga Middle Class

“Yung 18 million is 82%. Bakit bibigyan ‘yung middle eh may trabaho sila, kahit lockdown nagsusweldo sila sa gobyerno kung employed by the government. Kung employed naman ng mga private, nagsusweldo rin sila kaya nga nahihirapan ang mga companies kasi they have to pay the salaries even if there is no business. Hindi ko ma-accept ang figures na ‘yun. Masyadong mataas. Nade-deprive ang mahihirap dahil binibigyan pati ang middle class,”

Ayon kay Senador Cynthia Villar ukol sa pamimigay ng cash aid sa mg middle class na mamamayan ng Pilipinas. Kaya nama’y agaran itong nagsimula ng matinding kritisismo online dahil hindi ito matanggap ng mga middle class people na ngayon ay walang pangkabuhayan.

Marami sa mga middle class na residente ngayon ay nakakuha lamang ng isang buwang buong sahod ngunit matapos ang isa pang buwan ng quarantine ay sa ayuda na sila umasa dahil sa no work, no pay policy.

Kaya nama’y hindi lang ang mga lubos na naghihirap ang umaaray sa mga kahaharaping gastusin kundi pati na rin ang mga middle class na walang pangkabuhayan sa panahon ngayon.

Matapos ang matinding pag kontra ng netizens sa naging statement ng Senadora ay agaran itong humingi ng public apology. Ayon sa kanya ay,

“My statements during the hearing yesterday [Tuesday] was not in any manner meant to be an affront to the hardworking middle class of the country,” saad nya habang inaamin na malaki ang kontribusyon ng mga middle class sa taxes ng bansa, pati na rin sa ekonomiya.

“I might have framed my questions and statements in such a manner that made it seem I was insensitive to the plight of the middle income sector. I am NOT. I am concerned and I look out for the welfare of the middle income workers.

“If I have offended anyone with my statements, I humbly apologize.”

Dagdag pa niya habang inaamin ang kanyang pagkakamali at ang diumano’y hindi sinasadyang makasamaan ng loob ang kahit sinuman.

Sa kabilang dako, ayon kay Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, ang tinutukoy raw ni Cynthia Villar ay isang outdated na basehan na noong 2015 pa nilabas.

Ayon sa kanya ay ang kailangang pagtuunan ng pansin ay ang datos ngayon kumpara sa 22 na pamilyang sinasabi ni Senadora Cynthia Villar.

“Of the 22 million families, around 15 million are deemed to be low-income or working in the informal sector. However, to be accurate we had to do a projection from 2015 to 2020. Otherwise, kulang kasi may population growth,” ayon kay Chua.

“The 2020 estimates now [is] 24 million [families] of which 18 million are considered low-income, basically working in the informal sector, no work no pay. That is the basis for the 18 million,”

Ngayon ay marami namang natawa sa biglaang pagbawi ng senadora sa kanyang naging litanya habang nasa Senate hearing. Ayon sa netizens ay bakit ngayon lamang naisipan ng senador ang nasabing mali kung kailan marami ang negatibong naging komento.

Mukhang magsisilbi na itong aral upang maging mas maingat ang mga tulad nya sa mga salitang binibitiwan sa senado.