Mga Teacher Nakikiusap Na Ikonsidera Ang DepEd Ang Desisyon Nito Na Sa Augusto 24, 2020 Na Buksan Ang Klase Sa Kabila Ng Banta Ng COVID-19

Maramong mga mag-aaral ang nangangamba kasama ng kanilang mga magulang dahil sa maaaring madagdagan pa ang panahon na kailangan mag-aral at magpa-aral ng mga bata. Ngunit, ngayon ay sinusubukan nang plantsahin ang mga plano para sa school year 2020-2021.

Ayon sa IATF noong nakaraan ay mapapabuti kung sa Setyembre pa sana magbukas muli ang mga paaralan. Ngunit may ibang plano ang DepEd para sa mga mag-aaral.

Napag-isipan nila na ang target na buwan sana ay Agosto, at kamakailan lamang ay pati petsa ng pasukan ay inanunsyo na nila. Ayon sa press release ng DepEd ay nais nilang magbukas muli ang klase sa Agosto 24 ng kasalukuyang taon.

Walang naging komento ang pamahalaan ukol rito, pero mukhang si Senator Tito Sotto ay isinusulong na maurong pa ito hanggang sa maging opisyal na under control na ang sitwasyon sa bansa. Wala pang bagong komento ang DepEd ukol sa desisyon ng Senate President.

Iba-iba naman ang reaksyon ng netizens sa balita na ito. Marami ang masayang makita na unti-unti nang bumabalik ang normal na schedule para sa mga bata, ngunit naroon pa din ang mga nag aalala.

Kaya nama’y hinihintay pa rin na pagtibayin ang desisyon na ito at bigyan ng blessing ng Pangulo ang pasukan ng mga mag-aaral sa Agosto 24.

Ngayon ay maraming umaapela dahil kung may mga magulang na nangangamba para sa edukasyon ng kanilang mga anak, mayroon ding mga nababahala para sa seguridad ng mga ito.

Ayon sa grupo ng mga guro ay,

“We will face a bigger crisis if classes will start on August 24 especially since we are just starting COVID-19 testing and this situation may persist until August,”

ito ay matapos ng i-anunsyo ng Department of Education(DepEd) ang pag atras ng schedule ng pasukan sa Agosto 24. Samantala, ang mga private schools naman ay magkakaroon ng klase ng mas maaga dahil sa kakayanan ng mga itong magkaroon ng online classes o di kaya’y mas malaking mga kwarto upang sundin ang social distancing.

Ang pinangangambahan ngayon ay ang mga mag aaral na maaaring mapag-iwanan ng mga lessons dahil sa walang kakayahang makasali sa online classes. Marami ngayon ang naghihirap dahil sa nawalan sila ng pangkabuhayan bunga ng pagdating ng COVID-19 sa bansa.

Hindi lamang mga negosyo at kalusugan ang naapektuhan, maging ang edukasyon ng mga bata ay nasaalang-alang dahil sa global pandemic. Isang proposal ay ang mass testing para sa mga estudyante,

“Because classes mean many interactions among students and teachers in school, in commute and in their homes or community where they can be infected by the virus,”

Ngunit ang magiging suliranin diumano ay ang magiging gastusin para rito. Maraming estudyante ang hindi kayang magbayad para sa test na ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sigurado ang konkretong plano para sa school year 2020-2021 kaya nama’y patuloy ang pag aabang ng mga magulang ng estudyante hingil sa balitang ito.

Maraming eksperto ay nangangamba rin para sa kaligtasan ng mga kabataan ngayon kaya nama’y pinag-aaralan muna nila itong mabuti kung dapat ba na buksan ang klase ng maaga kahit na patuloy ang pagkalat ng sakit na COVID-19!