Nabaril Na Ex-Army, Hindi Daw Armado: Witnesses

Sa gitna ng krisis pangkalusugan ay nililimitahan na ang pag galaw ng mga residente sa kanilang mga baranggay at lungsod upang maiwasan ang pagkakahaawaan ng mga ito. Sa bawat pamilya ay iisa lamang ang dapat na may quarantine pass. Ngayon pa nga na nakitaan na ng datos kung sino ang mga prone sa infection ay pinagbawalan na ang mga 1-20 taong gulang at maging mga 60 pataas.

Noong nakaraang buwan, Abril, ay naging usap-usapan ang nangyaring pamamaril sa ex army na si Winston Ragos matapos diumano itong bantaan ang mga pulis nakabaril sa kanya noong araw na iyon.

Kita sa CCTV na biglang tinutukan ang retiradong sundalo ng mga pulis. Si Winston Ragos ay nasabing beterano sa Marawi at nagkaroon ng mental health issues matapos ang giyera sa lugar na iyon ilang taon na ang nakakaraan.

Nagkataon na nasa labas sya noong mga panahong iyon at sinabihan syang umuwi na, pero tumanggi ito at humantong sa pamamaril ang eksena. Ang gustuhin lamang na may bilhin para sa kanyang pamilya ay nagtapos sa karumal-dumal at nakakalungkot  na pangyayari.

Makikita sa CCTV na sinubukan pang pigilan ng ibang residente na magpaputok ang mga rumusponde pulis pero mukhang hindi ito dininig. Ayon kay Sergeant Florendo ay nagsisigaw raw si Ragos at sinubukan nilang patigilin ito ngunit hindi ito nakinig sa kanila.

Ayon din sa kanila ay armado raw ito kaya nama’y tinutukan nila ito ng baril. Nasawi ang buhay ni Ragos at ngayon ay maraming nakikidalamhati sa sinapit ng retiradong sundalo na may sakit sa pag iisip.

Matapos ang isang buwan na imbestigasyon ay tinitignan na ngayon ang anggulo na maaaring naging frame up na lamang ang nangyari upang maabswelto ang mga pulis na nakapaslang kay Ragos. Ayon sa National Bureau of Investigation ay tinitignan nila ang anggulo ngayon na nilagyan na lamang ng baril ang bag ng biktima matapos ang insidente.

Ayon kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin,

“There are already persons who testified that he was unarmed. I think that is the direction of our investigation,”

“This is a developing investigation. What is good here is that there are those who cooperated. When the NBI conducted a crime scene investigation, they went to the area and then checked on the persons who could testify and there were those who gave their statements,” dagdagpa niya.

Si Winston Ragos ay nagkaroon ng stress disorder at ilang ospital na rin ang napuntahan niya bago naging stable at nakauwi sa kanyang pamilya. Ilang beses na rin siyang nakaligtas mula sa mga engkwentrong kanyang kinaharap bilang isang sundalo na lumalaban sa mga rebelde.

Nakalabas siya ng ospital noong 2017 mula sa kanyang pag galing ngunit hindi na inaprubahan ang kanyang pagbabalik sa serbisyo. Kaya naman siguro’y isa iyon sa mga anggulo ng pakikipag sigawan diumano ng biktima sa mga pulis na tinutukan siya ng baril gayong may bibilhin lamang sya saglit sa labas ng kanilangbkanilang

Wala pa namang bagong komento ang pulis ukol sa usaping ito ng bagong lead sa imbestigasyon. Ang pamilya ni Ragos ay naghihintay pa rin ng hustisya.